Pulis, Sugatan ng Makaengkwentro ang 2 Suspek sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Nauwi sa engkwentro ang pagtulong ng biktimang pulis sa dalawang suspek na lulan ng isang motorsiklo bandang 9:40 kagabi sa Brgy. Villalaida, Tuao, Cagayan.

Nakilala ang biktima na si PSSg. Erwin Accad, 35-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. 2, Bayan ng Enrile habang nakilala ang mga suspek na isang nagngangalang ‘John Doe’ at Oliver Duerme na residente ng Arao Street, Ugac Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Tuao, binabagtas ng biktima ang lansangan na sakop ng Brgy. Villalaida sakay ng kanyang motorsiklo ng mapansin nito ang dalawang lalaki lulan ang nakaparadang motorsiklo para humingi ng tulong.


Agad namang tinulungan ng biktima ang mga suspek hanggang nasorpresa ito ng biglang barilin ito ng isa sa mga suspek sa kanyang tiyan na maswerte namang nakasuot sa biktima ang kanyang bullet vest.

Pagbagsak ng biktima ay nagawa pa nitong hingin na huwag siyang barilin subalit ng akmang babarilin muli ito ay gumanti na ito ng putok sa mga suspek.

Bilang resulta,nagtamo ng tama ng bala ng baril ang suspek na si Duerme habang ang kasamahan nito ay nakatakas gamit ang kanilang motorsiklo na ginamit na walang plaka.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima at suspek subalit idineklarang dead on arrival si Duerme ng sumuring doktor habang nagpapagaling na ngayon sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng sugat sa katawan.

Narekober sa crime scene ang isang (1) caliber 38 revolver na may dalawang bala, apat (4) pang bala ng nasabing kalibre at isang (1) Granada at Personal ID ng suspek.

Facebook Comments