Lea Salonga, pinuna ang isang Pinoy sa airport

Hindi pinalagpas ng Pinay broadway star na si Lea Salonga ang isang
kababayan dahil sa hindi nito pagsunod sa patakaran sa airport.

Base sa tweet ni Lea, pinuna niya ang isang babaeng nakasabay sa airport
dahil sa hindi pagsunod sa “wait behind yellow line” na sign.

Tinawag daw ng singer ang atensiyon nito pero hindi naman niya tinarayan.


Sa isa pang tweet ni Lea, sinabi nitong hindi marunong sumunod sa simpleng
patakaran ang ibang tao kaya ito raw ang dahilan kung bakit hindi umuunlad
ang ating bansa.

Sumang-ayon naman ang tv host-actor na si Luis Manzano sa tweet ni Lea.

Aniya, “and those are the people who want change?” at nilagyan ng hilarious
emoticon.

Facebook Comments