Sanhi Ng Sunog Sa Upper Session Road, Alamin!

203

Baguio City Philippines – Pasado alas syete ng gabi kahapon ng agaran ang
pagresponde ng Bureau of Fire Protection(BFP) sa lumalang sunog sa likod ng
Baguio post office sa upper session road. Ito ay dahil sa naputol na host
ng isang tangke ng gasul.

Habang isinasagawa ang operasyon, ilan sa mga residente ang nagtangka pang
isalba ang ilan sa kanilang mga gamit ngunit pinigilan ang mga ito at
sinabihang antayin na lamang na matapos ang pagpatay sa apoy para sa
kanilang kaligtasan.


Walang namatay o nasaktan sa nasabing insidente at kasalukuyan pa lamang
patuloy na iniimbestigahan at kung magkano nga ba ang halaga ng napinsalang
ari-arian.

Facebook Comments