Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Bamboo balik sa “The Voice Kids” bilang coaches

115
Image via ABS-CBN website

Opisyal nang magbabalik sa telebisyon ang 4th season ng “The Voice Kids” at magiging hurado ulit sina Sarah Geronimo, Lea Salonga, at Bamboo.


Sa Instagram post ni Lea noong Hunyo 27, inihayag nitong nagsisimula na silang mag-taping para sa nasabing palabas.

 

View this post on Instagram

 

And… it begins again. We’re back. #TheVoiceKidsPH

A post shared by Lea Salonga (@msleasalonga) on

“And… it begins again. We’re back”, ani Lea.

Ayon kay Bamboo, masaya silang lahat sa bagong yugto ng “The Voice Kids”.

“I think lahat kami nakapahinga and everyone’s coming all strong which is very good,” tugon ni Bamboo.

Sabi ni Sarah, dapat abangan ang muling pagsasahimpawid ng talent show.

“Ayun po, I will be busy promoting my own makeup line. I will film a movie. And abangan niyo po, magkakaroon ng another season ang ‘The Voice Kids’ this year… Yes po, babalik ako as a judge”, mensahe ni Sarah.




Isa si Sarah sa orihinal na mentors kasama sina Lea, Bamboo, at Black Eyed Peas lead singer apl.de.ap pero pinalitan siya ni Sharon Cuneta noong nakaraang season upang mag-concentrate sa career bilang mang-aawit.

Inumpisan ang blind audition ng “The Voice Kids Season 4” nitong Mayo.

Tiyak na kapanabik-panabik ang pagbabalik ng tatlong hurado dahil sa mga batang naipanalo nila noon.

Si Sarah ang mentor ng Season 1 winner si Lyca Gairanod; Season 2 winner naman si Bamboo kasama si Elha Nympha; at tinanghal na Season 3 winner si Joshua Oliveros sa ilalim ni Lea Salonga.

Facebook Comments