Matapos ang finger surgery, Liza Soberano kay Enrique Gil: ‘Who are you?’

Screenshot via Liza Soberano on Instagram Live

Matapos ang finger surgery ni Liza Soberano sa Estados Unidos, hindi nakilala ng aktres ang boyfriend na si Enrique Gil sa video na inilabas ng kaniyang tita na si Joni-Lyn Castillo- Pillarina.

Sumagot naman si Enrique na, “It’s me, Quen.”

Una nang winithdraw ni Liza ang role na Darna dahil sa bone fracture na natamo nito sa isang shoot ng Bagani nitong nakaraang taon.


Sumailalim na rin ang aktres sa ilang finger surgeries sa Los Angeles nitong mga nakaraang buwan.

Sa Instagram Live ni Liza, sinagot niya ang isang fan na nagtanong kung kailan siya babalik ng Pilipinas. Sinabi nitong miss na miss na ang bansa at may plano siyang bumalik upang makapagtrabaho ulit.

Samantala, ang surgery na ginawa sa kaniya ngayon ay kumuha ng buto sa kaniyang hip dahil maraming buto ang nawala dahil sa bone fracture nito. Ginamit namang ang buto upang ilagay sa kaniyang daliri.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments