Positivity rate sa Metro Manila ngayong araw, umakyat na sa 21%; 3,500 hanggang 4,000 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong New Year’s day, nakikita ng OCTA

Umakyat na ngayong araw sa 21% ang positivity rate sa National Capital Region.

Bukod dito, pumalo rin sa 3.19 ang reproduction number o bilis ng hawaan sa COVID-19 Sa NCR.

Kaya naman nakikita ng OCTA Research Team ang posibilidad na umakyat pa sa 6,000 hanggang 8,000 ang daily COVID-19 cases sa Metro Manila ngayong buwan ng Enero.


Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, maaaring mahigitan pa ang 8,000 na bilang noong peak ng Delta surge dahil sa Omicron variant at paggalaw ng mga tao ngayon holiday season.

Sa pagtataya ni David, posibleng makapagtala ng 3,500 hanggang 4,000 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong New Year’s day.

Facebook Comments