NCR, isasailalim sa Alert Level 3 simula sa Lunes, Enero 3

166

Simula sa Lunes, Enero a-tres, isasailalim na sa mas mahigpit na Alert Level 3 ang National Capital Region.

Ito ay dahil na rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na pumalo sa 2,961 ang naitalang bagong kaso ng virus kahapon.

Sa press briefing sa Davao City, sinabi ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, na ang pagbabalik sa Alert Level 3 ay napagdesisyunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases dahil sa inaasahan nila na dadami pa ang mahahawahan ng virus sa mga darating na araw.


Mataas din aniya ang posibilidad na magkaroon na ng local transmission ng Omicron variant matapos na maitala ang tatlo ay local cases, o hindi lumabas ng bansa.

Sa ilalim ng alert level 3, papayagan ang ilang establisimyento na mag-operate ng hanggang 30% indoor venue capacity para sa mga fully vaccinated individuals.

Hanggang 50% naman sa outdoor venue capacity, pero kailangan na fully vaccinated ang mga empleyado.



Tatagal ang Alert Level 3 sa Metro Manila hanggang Enero 15, 2022.

Nobyembre nang inilagay sa Alert Level 2 ang Metro Manila nang bumaba ang COVID-19 cases sa rehiyon.


Facebook Comments