Lead singer ng ’90s band na Mulatto na si Joey Bautista, nasawi dahil sa COVID-19; Christopher de Leon, malapit nang makalabas ng ospital

Kumpirmadong COVID-19 ang ikinamatay ng lead singer ng ’90s band na mulatto na si Joey Bautista

Mismong ang kanyang misis na si belinda bagasting ang nagkumpirma nito sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Biyernes.

Ayon kay Belinda, namatay ang kanyang asawa nitong huwebes ng hindi nalalaman ang resulta ng COVID-19 SWAB test.


Lumabas daw ngayon ang test at nag-positibo si Joey.

Sa kasulukuyan ay asymptomatic at naka-quarantine ng 21 araw si Belinda.

Nanawagan din ito sa mga nakasalamuha nila na bantayan ang sarili para sa mga sintomas ng COVID-19.

Samantala, malapit naman ng lumabas sa ospital ang batikang aktor na si Christopher de Leon matapos na magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa aktres at asawa nitong si Sandy and Plong, kahit nag-positive, pauuwiin na daw ang aktor at magku-quarantine ng isang Linggo.

Hindi na daw kailangang mag-stay ni Christopher sa ospital dahil malakas naman siya.

Negative na rin si Sandy, ang anak nilang si Mica, at mga kasamahan nila sa bahay.

Facebook Comments