Suportado ng League of Municipalities of the Philippines-Cagayan Chapter ang Enhanced Defense Cooperation Agreement.
Sa resolusyon na pirmado ng 19 mula sa kabuuang 28 alkalde sa Cagayan, nagpahayag ng pagsuporta ang mga ito sa pagtatayo ng dalawang EDCA sites sa Cagayan.
Katwiran ng mayorya ng mga alkalde, mapapabilis ng EDCA ang paghahatid ng tulong sa humanitarian at climate-related disasters na posibleng tumama sa bansa.
Nakasaad din sa resolusyon na bilang isang strategic location, tinignan nila ang benepisyo na maidudulot ng EDCA sa lalawigan partikular pagdating sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad.
Nabatid na kasama sa dagdag na gagawing EDCA sites ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan at Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan.
Matatandaang una nang tinutulan ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang pagtatayo ng EDCA sites sa nasabing lalawigan.