DOJ, nagbantang lalo pang dadami ang mga kaso laban kay Cong. Arnolfo Teves Jr., sa mga susunod na araw

Marami pang kasong kakaharapin si suspendidong Cong. Arnolfo Teves Jr., sa mga susunod na araw.

Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, kabilang sa mga kasong posibleng kaharapin ng kongresista ang multiple murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder.

Bukod pa aniya ito sa kinakaharap niyang illegal possession of firearms and explosives.


Seryoso aniya ang pamahalaan na papanagutin sa batas si Teves dahil mananatili ang takot ng mga residente ng Negros Oriental hangga’t nakalalaya ang mambabatas.

Facebook Comments