Hiniling ng League of Provinces of the Philippines sa National Task Force Against COVID-19 na payagan pa rin ang COVID-19 testing bilang requirements sa mga biyahero at turistang papasok sa mga probinsya.
Kasunod na rin ito ng desisyon ng national government sa pagpapatupad ng uniform travel protocols o mas maluwag na travel requirement para sa lahat ng Local Government Units (LGUs).
Sa ilalim nito, hindi na kinakailangan ng biyahero o turista ng travel authority, medical certificate, at 14-days quarantine.
Sa interview ng RMN Manila kay LPP President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco, sinabi nito na karamihan sa mga gobernador ay mas gusto pa ring ipatupad na COVID-19 testing sa mga traveler sa kanilang point of entry.
Layon aniya nitong, maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga probinsya lalo na’t marami ang mga asymptomatic na posibleng maging carrier ng virus.