1 Patay, 1 Sugatan nang Bumangga ang SUV sa Concrete Barrier

*Cauayan City, Isabela- Patay ang tsuper ng isang SUV habang sugatan naman ang kanyang sakay matapos bumangga at bumaligtad ang minamaneho nito sa isang concrete barrier sa pambansang lansangan na sakop ng Marana 3rd, City of Ilagan, Isabela.*

*Kinilala ang nasawing biktima na si Jimmy Macarubbo, 38-anyos, may-asawa at residente ng Upi, Gamu, Isabela habang ang sugatan ay nakilalang si princess Guillermo, 25-anyos, dalaga, isang private employee at residente ng *Caritan Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

*Sa imbestigasyon ng *City of Ilagan Police Station, binabagtas ng drayber ng SUV ang daan patungong hilagang direksyon nang mawalan umano ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa konkretong barrier.


Dahil sa insidente, nagtamo ng matinding tama sa ulo ang tsuper habang minor injury lang ang tinamong sugat ng isa pang biktima.

Nagawa pang isugod ng mga rumespondeng Rescue team ang mga biktima subalit hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang tsuper na si Macarubbo.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.

Facebook Comments