League of Provinces, umapela ng dagdag na vaccine supply

72

Umapela ang League of Provinces of the Philippines (LPP) sa pamahalaan ng mas maraming suplay ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., nauunawaan naman nila na limitado pa sa ngayon ang supply ng bakuna sa bansa.

Pero dahil isinailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR Plus bubble, hiniling nito sa national government na dagdagan ang alokasyon nito ng bakuna sa mga probinsya.


Aniya, mas malaki ang posibilidad na maabot ang herd immunity kung daragdagan ang kanilang COVID-19 vaccine supply dahil mapapabilis din nito ang vaccine rollout sa bansa.

Facebook Comments