LEAK REPAIR | Buong service road ng EDSA-Shaw Blvd southbound, 6 na oras isasara

Anim na oras na isasara ang buong service road ng EDSA malapit sa Shaw Boulevard southbound simula mamayang gabi.

Kaugnay pa rin ito ng ginagawang emergency leak repair ng Manila Water sa lugar.

Ang pagkukumpuni ay magsisimula alas 10:00 mamayang gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas.


Dahil dito, pinapayuhan ang mga motoristang patungong Makati area na dumaan sa underpass.

Facebook Comments