Lebel ng polusyon sa hangin sa Metro Manila, bumaba ng higit kalahating porsyento – DENR

Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bumaba ang lebel ng polusyon sa hangin sa Metro Manila nang higit sa kalahating porsyento sa unang araw ng 2021.

Ayon sa DENR, nagbunga ang pagpapatupad ng mga alkalde sa Metro Manila ng firecracker ban at paglimita sa pagsasagawa ng fireworks display.

Kasunod nito, nakapagtala ang DENR ng Average Concentration na 87 micrograms kada normal cubic meter mula sa Particulate Matter na PM 10 sa hangin.


Ibig sabihin nito, mas mababa ng 59% ang air pollution ngayong taon kumpara noong pagsalubong sa 2020 kung saan nasa 213 micrograms per normal cubic meter ang kanilang naitala.

Ibinatay ng DENR ang kanilang mga datos mula sa mga Air Quality Monitoring Stations sa Caloocan, Marikina, Navotas, Pasig, Parañaque at Taguig.

Facebook Comments