Manila, Philippines – Bumaba ang lebel ng tubig ng dalawang dam sa lalawigan ng Benguet bunsod ng umiiral na tag-init sa bansa.
Sa ngayon ay mas mababa na ng 0.49 meters ang Ambuklao Dam mula sa normal water level nito na 752 meters.
Samantala, nabawasan naman ang lebel ng tubig ng Binga Dam kung saan, umaabot ito sa 568.25 mula sa normal water level nito na 575 meters.
Ang Ambuklao Dam sa Bokod, Benguet ay nagsisilbing flood control structure at nagbibigay ng suplay ng tubig sa mga irigasyon sa pangasinan habang ang Binga Dam naman sa Itogon, Benguet ay para sa power generation at flood control.
Facebook Comments