3 katao, arestado sa isinagawang buy bust operation sa Cavite

Manila, Philippines – Arestado ang tatlo katao sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Calumpang, Cavite kaninang madaling araw.

Kabilang dito ang drug pusher na si Arnold Conte alyas Pao-Pao, 40-anyos na natimbog matapos magkaabutan ng shabu at pera ang suspek at pulis na nagpanggap na buyer.

Nahuli rin ang 20-anyos na pamangkin ni Arnold na si Wilmer Conte sa loob ng bahay nito, katabi ang bag na naglalaman ng mga sachet ng hinihinalang shabu.


Sa labas naman ng bahay naaresto ang isa pang suspek na si Arsie ‘Boy’ Bernales.

Umabot sa labing-siyam na sachet ng hinihinalang iligal na droga ang nakumpiska mula sa mga suspek na may bigat na 90-gramo na nagkakahalaga ng 170,000 piso.

Facebook Comments