Lebel ng tubig sa Angat dam at 5 iba pa sa Luzon, patuloy na bumababa

Dahil sa kawalan ng ulan, patuloy na bumababa ang antas ng tubig sa Angat dam at 5 iba pang dam sa Luzon.

Base sa pinakahuling monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division sa lebel ng tubig hanggang kaninang alas 6:00 ng umaga.

Nasa 186.77 meters ang water elevation ng Angat dam na mas mababa sa 186.85 meters kahapon.


Maging ang Ipo dam ay bumaba rin sa 100.52 meters mula sa 100.56 meters. Pati ang La Mesa dam sa Quezon City, nakitaan din ng pagbaba sa 77.60 meters mula sa 77.67 meters kahapon.

Ang iba pang dam na nakitaan ng bahagyang pagbaba ay ang Pantabangan, Magat at Caliraya dam.

Kapag magpapatuloy ang pagbaba sa lebel ng tubig sa Angat at Ipo dam, maaaring hindi na umabot sa inaasahang lebel na 212 meters ang Angat sa pagtatapos ng 2019.

Una nang nagpahayag ang Maynilad Water Services Inc. at Manila Water na posibleng magpatupad ng daily rotational water service interruption dahil dito.

Facebook Comments