Tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Sa record ng Bulacan PDRRMO, mula sa 198.71 meters noong Martes at 198.80 meters nitong Miyerkules, ay umangat pa ng 199.72 meters kahapon.
Mataas ito sa minimum operating level na 180 meters, pero mababa sa target na 212 meters.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr. – inaprubahan nila ang 40-cubic meter per second na alokasyon ng tubig para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Malayo pa rin sa normal water allocation na 46 cubic meters.
Naglaan na lamang sila ng 10 cubic meters per second na irrigation supply sa Bulacan at ilang sakahan sa Pampanga, mababa sa normal allocation na 30 cubic meters.
Ang Angat Dam ang nagsu-supply ng 90% ng tubig sa Metro Manila, at 17,000 ektarya ng sakahan sa Bulacan at 9,000 ektarya sa Pampanga.