Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang tumaas!

42

Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa sunod-sunod na pag-ulan sa mga nakalipas na araw.

Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), umakyat na sa 194.15 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam mula sa 190.63 meters noong Abril 4.

Samantala, patuloy naman ang panawagan ng NWRB sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig.


Facebook Comments