Patuloy na natatapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa gitna ng mainit na panahon sa bansa.
Batay sa update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeorology Division, kaninang alas-6:00 ng umaga ay bumaba pa sa 195.99 meters ang lebel tubig sa Angat Dam.
Paliwanag ng PAGASA, nabawasan pa ito ng 33 centimeters kumpara sa naitala kahapon na 196.32 meters bagama’t mas mataas pa rin sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig sa San Roque Dam habang walang paggalaw sa Ipo at La Mesa Dam.
Nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa Ambuklao, Binga, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.
Facebook Comments