Tatlong aktibidad, nakalinyang daluhan ni PBBM ngayong araw

Muling magiging abala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw.

Ito ay dahil tatlong aktibidad ang kaniyang nakatakdang daluhan sa araw na ito.

Una ay ang Philippine National Police (PNP) Change of Command na ginawa kaninang alas-8:00 ng umaga sa Grandstand, Camp Crame sa Quezon City matapos ang nakatakda nang pagretiro ni outgoing PNP Chief Rodolfo Azurin Jr.


Pangalawa ay dadalo ang pangulo sa pamimigay ng tulong ng Department of Agriculture sa Nueva Ecija alas-11:00 ng umaga.

Ito ay upang mas palakasin ang farm mechanization at modernization.

Huling aktibidad ng pangulo ngayong araw ay ang pagdalo nito sa 32nd SEA games sendoff party na gagawin sa PICC sa Pasay City mamayang alas-4:00 ng hapon.

Facebook Comments