Lebel ng tubig sa Angat Dam nadagdagan ayon sa PAGASA

Nadagdagan ngayon ang antas ng tubig ng Angat Dam matapos ang mga pag-ulan na naranasan bunsod ng epekto ng Bagyong Aghon.

Sa talaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeorology Division, tumaas ng siyam napu’t tatlong sentimetro ang antas ng tubig ng Angat Dam.

Kaya nasa 179.79 meters ang antas ng tubig ng Angat Dam kaninang alas-otso ng umaga kumpara sa 178.86 meters kahapon.


Nasa 30.21 meters ang agwat nito mula sa 212 meters na normal high water level ng Angat Dam.

Maliban sa Angat Dam, nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo, La Mesa, Binga, Pantabangan at Caliraya Dam.

Bahagya naman na nabawasan ang antas ng tubig ng Ambuklao at Magat Dam.

Facebook Comments