Performance ng MERALCO, susuriin ng Senado sa pagkuha nito ng franchise renewal sa Kongreso

Sisilipin ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang performance ng Meralco sa mga nagdaang taon.

Ito ang sinabi ni Senate Committee on Energy Vice Chairman Sherwin Gatchalian kasunod ng panukalang i-renew ang prangkisa ng Meralco.

Sa ginanap na forum sa SMX Convention Center sa Pasay City ay sinabi ni Gatchalian na gagamitin niya ang oportunidad na ito para i-review ang performance at mabigyan ng accountability ang Meralco sa consumers nito.


Partikular na sisilipin ng senador ang singil sa kuryente at serbisyo tulad ng connection, brownouts at bilis ng pagsasaayos ng mga nasisirang linya.

Naniniwala si Gatchalian na mahalagang masuri muna ang performance ng Meralco bago niya masabing susuportahan o hindi ang pagbibigay ng panibagong prangkisa sa electric power distribution company.

Facebook Comments