Lebel ng tubig sa Angat dam, nadagdagan na

 

Bahagya nang nadagdagan ang lebel ng tubig sa Angat dam.

 

Bunsod ito ng mga nararanasang pag-ulan sa mga nakalipas na araw.

 

Sa datos ng pagasa hydrology division, mula 176.10 meters kahapon, tumaas na ito sa 176.65 meters kaninang umaga.


 

Hindi naman nagbago ang antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 101 meters at la mesa dam na nasa 68.45 meters.

 

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao, Binga at Magat dam.

 

Habang nabawasan naman ang lebel ng tubig sa San Roque, pantabangan at Caliraya dam.

Facebook Comments