Lalo pang bumagsak sa kritikal na lebel ang imbak na tubig sa Angat Dam.
Batay sa monitoring ng PAGASA-DOST, as of 6AM kanina, mas bumagsak pa sa 160.28 meters ang water level ng naturang dam.
Ito ay kung ihahambing sa 160.73 meters na naitala kahapon.
160 meters ang ‘critical low level’ nito.
90 percent ng pangangailangan sa tubig ng Metro Manila ay nanggagaling sa Angat Dam.
Dahil sa pagbagsak ng water level sa naturang dam, napilitan ang National Water Resources Board (NWRB) na bawasan ang alokasyon ng tubig para sa domestic consumption sa Metro Manila na nagbunsod upang mapilitan ang dalawang private distributors na magpapatupad ng rotating service interruptions.
Facebook Comments