Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam ngayong tag-init.
Sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrology Division, bumaba sa 194.68 meters ang water level ng Angat kaninang umaga, kumpara sa 194.88 meters kahapon.
Habang bumaba rin ang lebel ng tubig sa mga dam ng La Mesa, Ambuklao, Binga, San Roque at Caliraya.
Bahagya namang nadagdagan ang water level sa mga dam ng Ipo, Pantabangan at Magat.
Una nang naglabas ng El Niño alert ang PAGASA dahil sa nakikita nitong pagtaas ng tiyansa na umiral ang weather phenomenon sa mga susunod na buwan.
Samantala, magpupulong naman ang Metro Manila Council sa Biyernes, May 5 upang talakayin ang paglimita sa ilang establisiyimento na malakas ang konsumo ng tubig.