Dating FM DJ, inaresto ng NBI dahi sa Sextortion

Dinakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Western Visayas Regional Office, ang isang 57-anyos na lalaking dating FM DJ sa Iloilo City dahil sa sextortion sa kanyang karelasyon.

Naaresto sa isang entrapment operation ang suspek na hindi na muna pinangalanan ng NBI.

Ayon sa NBI, nag-ugat ito sa reklamo ng kanyang nakarelasyon na umano’y tinatakot ng suspek na ipapakalat ang maseselan niyang litrato at video kung hindi papayag sa gusto nitong mangyari.


Nagbanta pa itong ipopost sa pornography websites ang ilang videos at pati na sa group chat nito sa trabaho.

Sumailalim na sa inquest proceedings ang suspek sa Iloilo City Prosecutors Office.

Nahaharap ito sa mga kasong paglabag sa RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009), may kaugnayan sa Anti Cyber Crime Prevention Act at paglabag sa Anti Violence Against Women and their Children Act.

Facebook Comments