Malapit nang maabot ang minimum operating level ng Angat Dam dahil sa patuloy na pagbaba ng water level nito bunsod ng El Niño.
Ayon sa PAGASA – DOST, bumaba pa ngayong araw sa 183.99 meters ang lebel ng tubig sa Angat, mas mababa sa naitalng 184.38 meters kahapon.
Sa pagtataya ng ahensya, kung magpapatuloy ang pagbagsak ng tubig ay posibleng sa mga susunod na linggo ay maabot na ng Angat ang minimum operating level nito na 180 meters.
Nabatid na 90 percent ng suplay ng tubig sa Metro Manila, Rizal, Cavite at Bulacan ay galing sa Angat.
Bukod sa Angat Dam, patuloy rin ang pagbaba ng tubig sa La Mesa, Binga, San Roque, at Magat Dam.
Facebook Comments