Lebel ng tubig sa Angat Dam, tumataas na dahil sa sunud-sunod na pagdaan ng mga bagyo

Patuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa mga dam kabilang na rito ang Angat Dam na siyang nagsu-supply ng 90% ng tubig sa Metro Manila.

Ito ay bunga ng sunud-sunod na bagyong dumaan sa bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA Hydrologist Richard Orendain, ang water level sa Angat Dam ay umabot na sa 205 meters.


Ilang metro na lamang layo bago umabot sa high normal level na 210 meters at nasa 217 meters naman ang spilling level nito.

Kinakaya pa nila ang pagtaas ng lebel ng tubig lalo na at makatutulong ito bilang paghahanda sa panahon ng tag-init.

Sinabi ni Orendain, na malalaman sa kalagitnaan ng Disyembre kung ang lebel ng tubig sa Angat ay sapat para suplayan ang Metro Manila sa summer season.

Nagpatupad naman ng emergency water discharge ang Ipo Dam matapos umabot sa 101.84 meters ang lebel ng tubig nito.

Ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam ay umabot na sa 79.32 meters malapit na sa spilling level na 80.15 meters.

Pinayuhan ng PAG-ASA ang mga residenteng na malapit sa mga ilog at daluyan ng tubig na maging alerto sa posibleng pagtaas ng lebel ng tubig.

Facebook Comments