Lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon, bahagyang tumaas Ayon sa PAGASA

Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa dalawang dam sa luzon bunga ng pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometreology division, kaninang alas sais ng umaga, tumaas ng 0.27 ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Mula sa 194.66 meters na naitala kahapon, umakyat ito sa 194.93 meters ngayon.


Nadagdagan naman 0.14 ang lebel ng tubig sa Ipo Dam, mula sa 99.16 meters kahapon, naitala ito ngayon sa 99.30 meters.

Ang water level naman sa La Mesa Dam ay nadagdagan ng 0.2 meters, mula sa 78.73 meters kahapon nasa 78.75 kaninang umaga.

Nadagdagan naman ng 0.36 meters ang lebel ng tubig sa Magat Dam, kahapon nasa 189.24 meters ang lebel ng tubig sa Magat dam at kaninang umaga tumaas ito sa 189.60 meters.

Bahagya naming bumaba ang lebel ng tubig sa Ambuklao , Binga , Pantabangan, San roque at Caliraya Dam.

Facebook Comments