KARAGDAGANG 716 PULIS, IDEDEPLOY PARA SA ELEKSYON 2022

Ipapakalat ng Police Regional Office 1 para sa dagdag pwersa sa darating na eleksyon 2022 ang 716 na pulis sa Ilocos Region.
Ang mga ito ay sumasailalim sa mandatory career courses ngunit dahil sa isasagawang eleksyon pansamantala muna silang idedeploy sa rehiyon.
Personal na ininspeksyon ang mga ito sa ceremonial turnover sa PRO1 Grandstand sa La Union na magsisilbing reinforcement sa iba’t-ibang lugar sa Region 1.

Nagbabala naman si PBGEN Enrique Magalona, Deputy Regional Director for Administration sa mga pulis na manatiling neutral, non-partisan, at apolitical. | ifmnews
Facebook Comments