
Bumababa na ang lebel ng tubig sa Laguna De Bay.
Sa ulat ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), nasa 11.58 meters na ang lebel ng tubig sa lawa na mas mababa na sa maximum critical threshold na 12.50 meters.
Dulot ito ng umiiral na mga kondisyong pang-panahon at daloy ng tubig.
Ito’y dahil sa umiiral na Northeast Monsoon (Amihan) na nagdadala ng mas malamig at tuyong hangin, at hindi nagdudulot ng malalakas na pag-ulan kumpara sa Habagat.
Gayundin, ang pagbaba ng daloy ng tubig mula sa tributaries dahil sa kawalan ng malalaking pag-ulan at ang mas mataas na ebaporasyon at patuloy na paglabas ng tubig mula sa lawa patungong Manila Bay sa pamamagitan ng Ilog Pasig.
Inaasahang magpapatuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa buong panahon ng tag-init.
Habang mas mataas ang paglabas ng tubig at ebaporasyon kumpara sa minimal na pagpasok ng tubig mula sa base flow ng mga tributary.










