Lebel ng tubig sa limang dam sa Luzon, patuloy na bumababa

Sa kabila ng nararanasang pag ulan, patuloy pa ring bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam at apat na iba pang dam sa Luzon.

Base sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeoro-logy Division ngayong umaga,bumaba pa ang water elevation ng Angat Dam sa 190.76 meters kumpara sa 190.78 meters kahapon.

Ang iba pang dam na nakitaan din ng bahagyang pagbaba ng lebel ng tubig ay ang Ipo Dam, Ambuklao Dam, Binga at San Roque Dam.


Napanatili naman ng La Mesa Dam ang water elevation nito sa 78.79 meters.

Sa pagpasok ng panahon ng tag ulan, inaasahan na madagdagan ang imbak na tubig sa mga nasabing dam.

Facebook Comments