Palasyo, kinumpirma ang paghirang sa 2 associate justice ng CA

72

Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang associate justices ng Court of Appeals.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar, binabati ng Palasyo sina John Zurbito Lee at Eleuterio Larisma Bathan na bagong associate justices ng Court of Appeals.

Sinabi ni Andanar na kumpyansa ang Malacañang na paiiralin ng dalawang bagong mga hukom ang fairness, impartiality at integrity sa ating Court of Appeals.


Facebook Comments