Itinaas na sa unang alarma ang Marikina River matapos umakyat na ang lebel ng tubig nito sa 15.2 meters.
Ito ay dahil sa patuloy na pag-ulan bunsod ng Bagyong Florita, kung saan lahat ng gate ng Marikina River ay binuksan na rin.
Sa ilalim ng first alarm ay pinaghahanda at pinagbabantay ang mga residente sa mababang lugar.
Kabilang sa mga itinuturing critical areas sa lungsod ng Marikina ay ang mga barangay Tumana, Langka at Malanday.
Sakaling namang umabot sa 16 meters ay magpapatupad na ng evacuation at kapag pumalo pa ito sa 17 hanggang 18 meters ay ipapatupad na ang force evacuation.
Facebook Comments