Posibleng local transmission ng monkeypox virus sa bansa, tinutukoy pa ng DOH

Nagsasagawa ng beripikasyon ng Department of Health (DOH) kung may local transmission na ng monkeypox virus sa bansa.

Partikular na tinutukoy ng DOH ang source ng monkeypox virus na nakuha ng pang-apat na kaso ng virus sa bansa.

Nanindigan naman si DOH Officer-in-Charge Usec. Maria Rosario Vergeire na 14 ang naging close contact ng monkeypox case number 5.


Ayon kay Vergeire, patuloy na naka-isolate ang mga ito kabilang na ang healthcare worker na nagamot sa pang-apat na kaso.

Habang ang 17 close contacts ng ikatlong monkeypox case ay wala namang nararanasang sintomas.

Naka-isolate pa rin ang mga ito at 13 sa kanila ay nasa medium-risk.

Facebook Comments