LeBron James, matatagalan pa bago makabalik sa laro

148

Hindi pa makababalik sa court si Los Angeles Lakers at NBA superstar LeBron James.

Ito ay makaraang palawigin pa ng isang linggo ang kinakailangan niyang pahinga, bunsod ng tinamong groin strain injury, noong Christmas game nila kontra Golden State Warriors.

Ayon kay Lakers coach Luke Walton, kahit pa nakapag-ensayo na ito noong nakaraang araw, hindi aniya mabigat ang naging laro nito. Nais kasi nilang tiyakin na magaling na si James bago ito muling sumabak sa totoong laban.

Sa kasalukuyan ayon kay coach Walton, may mga nabuo na siyang diskarte habang wala pa si James sa kanilang laro.

Facebook Comments