CHR, gustong paimbestigahan ang naging operasyon laban kay Parang Mayor Talib Abo

582

Manila, Philippines – Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsasagawa ng objective investigation sa pagkamatay ni Parang Mayor Talib Abo at ang kaniyang kapatid na si Bobby.

Napatay ang magkapatid matapos na manlaban sa mga otoridad habang sinisilbihan ng search warrants sa Cotabato City.


Ayon kay CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann De Guia, kailangan na matiyak na napapangalagaan ang karapatang pantao at umaalinsunod sa batas ang operasyon.

Bagaman at kinikilala ng ahensya ang masamang epekto ng illegal drugs sa indibidwal at sa komunidad.

Gayundin ang determinasyon ng gobyerno na tapusin ang drug problem.

Dapat na malaman ang katotohanan sa nangyaring police operation para madetermina kung nasunod ang mga guidelines at paggamit ng proportional force sa sinasabing engkwentro.

Facebook Comments

From Advertisers