Lebron James – wagi ng NBA citizenship award

NBA – Nasungkit ni Cleveland Cavaliers Star Lebron James ang NBA Citizenship Award para sa community service.

Ito’y matapos siyang manguna sa isinagawang botohan ng mga media.

At dahil sa nasabing award, 1,100 na mga at-risk at disadvantaged youth sa kanyang charity foundation sa Akron, Ohio ang natulungan na ni Lebron.


Ibinigay ang parangal dalawang araw matapos na ianunsyo ang mga finalist para sa NBA top individual awards gaya ng MVP finalist kung saan kabilang sa mga nakapasok sina Houston Rockets guard James Harden, Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook at San Antonio Spurs forward Kawhi Leonard.
DZXL558

Facebook Comments