LEDAC priority measures, ipapasa ng Kamara

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na aaksyunan ng Mababang Kapulungan ang nalalabing 12 priority measures na isinusulong ng LEDAC o Legislative-Executive Development Advisory Council.

Kabilang dito ang panukalang batas para sa Natural Gas Industry, pag-amyenda sa EPIRA, panukalang Unified System of Separation, Retirement and Pension, at panukalang E-Governance Act and E-Government Act.

Kasama din ang panukalang National Land Use Act, National Defense Act, National Government Rightsizing Program, Budget Modernization Bill, at pagtatag ng Department of Water Resources.


Dagdag pa ang panukalang Establishment of Negros Island Region, Magna Carta Filipino Seafarers, at Establishment of Regional Specialty Hospitals.

Diin ni Romualdez, isinusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nabanggit na mga panukala na makapagbibigay ng dagdag na mga trabaho, magpapatatag sa health system at titiyak sa pagbangon ng ating ekonomiya.

Facebook Comments