LEGACY NI PNP CHIEF | Kapulisan, nailapit sa masa

Manila, Philippines – Sa kabila ng kinakaharap na isyu ng Philippine National Police (PNP) patungkol sa umano’y extra judicial killings sa bansa dahil sa war on drugs ng pamahalaan.

Ipinagmalaki ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na sa kanyang panunungkulan ay nailapit niya sa masa ang PNP.

Ayon kay Dela Rosa, para sa kanya naibalik nya na ang tiwala ng tao sa mga pulis.


Ito ay dahil sa ginagawa niyang pakikisalumuha sa mga ordinaryong tao na hindi aniya nagagawa ng mga nakalipas na PNP Chief.

Sinabi ni Dela Rosa, ito ang maiiwan niyang legacy o pamana sa kanyang pagreretiro sa serbisyo.

Sa January 21, 2018 ay magreretiro na sa serbisyo si Dela Rosa para sa mandatory retirement age na 56 years old.

Facebook Comments