Manila, Philippines – Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na maituturing na legacy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Care bill sakaling ito ay maisabatas at maipatupad.
Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Duque na napakalaki ang magiging tulong ng naturang panukala sa mahihirap nating mga kababayan para mapangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino.
Kaya naman hinimok ng kalihim ang Kongreso na madaliin ang pagpasa sa Universal Health Care Bill upang maibigay na sa mamamayan ang kalinga na dapat matanggap mula sa Pamahalaan.
Sinabi din ni Roque na sa oras na maipatupad ang panukala ay mas magiging produktibo ang mga manggagawang Pilipino dahil mas napapangalagaan ang kalusugan ng lahat.
Matatandaan na isa ang Universal Health Care Bill sa mga priority bills ng Administrasyong Duterte.