Legal assistance, tiniyak ng DFA na naibibigay sa mga Pilipinong nakakulong sa UAE

Maraming Pilipino pa rin ang nakakulong sa United Arab Emirates o UAE dahil sa iba’t ibang kaso.

Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Raymund Cortes sa Laging Handa public briefing.

Sinabi ni Cortes, na batay sa kanilang rekord ang kaso ng mga pilipinong nakakulong sa UAE ay may kinalaman sa iligal na droga, prostitusyon, pagnanakaw at pagpatay.


Binibigyan na aniya ang mga Pilipinong ito na may kaso ng legal assistance para masiguro na umiiral ang kanilang karapatan para sa due process.

Ang ibang Pilipino na man na may kaso pero nasa final executory na nagpapatuloy ang paghingi ng gobyerno ng Pilipinas sa UAE government ng pardon.

Karaniwang ginagawa ang pagbibigay ng pardon ayon kay Cortes kapag ipinagdiriwang ang Eid’l Adha o kaya sa pagtatapos ng Ramadan.

Kamakailan lang ay nabigyan ng pardon ang tatlong Pilipino ng gobyerno ng UAE kung saan dalawa sa mga ito ay nasa death row.

Ayon kay Cortes, sila ay makakauwi na ng Pilipinas sa loob ng isang buwan at makakatangap ng ayuda mula sa Overseas Workers Welfare Administration, Department of Migrant Workers at Department of Social Welfare and Development.

Facebook Comments