Replacement aircraft sa Vietjet Air na nag-emergency landing sa Laoag, padating sa bansa ngayong hapon

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bago mag-alas-3:00 ngayong hapon dadating sa Laoag International Airport ang replacement aircraft ng nag-emergency landing na VietJet Air.

Ang naturang eroplano ay patungo sana ng Vietnam mula Incheon, South Korea nang magkaroon ito ng technical problem at nag-emergency landing sa Laoag Airport.

Ligtas naman ang 207 mga pasahero at pitong crew.


Sa ngayon, nananatili sa Laoag Airport lounge ang stranded na mga pasahero.

Binigyan din sila ng pagkain at malasakit help kit ng mga tauhan ng CAAP sa Laoag.

Facebook Comments