Legal consultant ng NDF, walang alam sa kinaroroonan ng kanilang consultants

Manila, Philippines – Walang alam ang abugado ng National Democratic Front kung nasaan ang kanilang mga consultants.

Ayon kay Atty. Edre Olalia, legal consultant ng NDF Negotiating Panel, may trabaho ang kanilang mga consultants bukod pa sa pakikipagpulong at pagsasaliksik.

Pinalagan naman nito ang sinasabing nagtatago ang NDF consultants dahil pinalaya sila ng korte kung kaya’ t mali ang terminong ‘nagtatago’.


Sa ngayon nasa 17 mga NDF consultants ang pansamantalang nakakalaya dahil sa usaping pangkapayapaan.

Facebook Comments