Posibleng ilabas ngayong linggo ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang legal opinion sa kasunduan ng Philippine Red Cross (PRC) at PhilHealth hinggil sa COVID-19 swab testing.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, patuloy pang nire-review ng DOJ ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng PRC at PhilHealth kaugnay sa libreng swab testing.
Nauna nang itinigil ng PRC ang libreng COVID-19 swab test at pagproseso para sa umuuwing Overseas Filipino Workers (OFW) at medical frontliners dahil sa halos P1 bilyong utang ng PhilHealth.
Nangako naman ang PhilHealth na magbabayad sa PRC ngunit kinuwestyon nila ang ilang probisyon sa “existing deal” at iba pang legal issues para sa COVID-19 tests.
Una na ring tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran ng PhilHealth ang balanse sa PRC.