
Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nabuo na ang legal team na magdedepensa kay dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Sa kanyang pagharap sa media at supporters sa labas ng ICC sa The Hague, sinabi ni VP Sara na nakausap na rin ng dating pangulo ang isa sa mga bagong abogado.
Kinumpirma rin ng pangalawang pangulo na naisumite na rin niya sa legal team ang pinakahuling mga dokumento mula sa ICC Detention Unit.
Natapos na rin anila nila ang sistema sa magiging papel ng bawat abogado
Ayon pa kay VP Sara, natapos na niya ang kanyang trabaho kaya maaari na siyang umuwi ng Pilipinas.
Aniya, ang papalit sa kanya ay si Cong. Paolo Duterte.
Dadating aniya ng The Netherlands si Cong. Duterte pag-alis doon ng mag-inang Honeylet at Kitty Duterte.