Suporta sa industriya ng mango farming, tiyak makakatulong sa ekonomiya at buhay ng mga Pilipino

Kasunod ng Mango-Bamboo Festival na ginanap sa San Carlos, Pangasinan ay nanawagan ng ibayong suporta sa industriya ng mango farming si House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar.

Diin ni Villar, kailangang mapanatili o mapa-angat ang rank 10 ng Pilipinas sa produksyon ng mangga sa buong mundo.

Ayon kay Villar, ang pagtutok sa mango industry ay hindi lang makakapagbigay ng pagkain kundi makakatulong din sa pagpapa-angat ng buhay ng ating mga kababayan.

Bunsod nito ay isinulong ni Villar na mapahusay ang teknolohiya para sa pagproseso ng mangga na gagamitan ng iba’t ibang teknik para mapabuti ang kalidad ng inaaning mangga at tumagal o hindi masira kahit abutin ng isang taon.

Kaugnay nito ay iginiit ni Villar ang kahalagahan ng ‘High Value Crops Development’ program ng Department of Agriculture na sumasaklaw rin sa pagtatanim o produksyon ng manga.

Facebook Comments