Legalidad ng pag-aalaga ng mga Ostrich sa Quezon City, iniimbestigahan na ng DENR

Natuklasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na binili sa isang farm sa Misamis Occidental ang dalawang Ostrich na nag-viral at nakawala sa Quezon City.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, nabili ni Jonathan Cruz sa halagang 30,000 pesos ang mga nasabing Ostrich sa isang nagngangalang Edwin Jara, isang consultant mula sa Philippine Ostrich and Crocodile Farm Inc.

Ipinakita rin ni Cruz ang mga dokumento kabilang ang Local Transport Permit, Invoice Receipt mula sa transaksyon at litrato ng patay na Ostrich.


Ang Local Transport Permit ay para lamang ilipat ang mga Ostrich mula Misamis Oriental patungong Nueva Ecija pero napaso ito sa araw na idinala ang mga hayop noong October 28, 2019.

Nakatanggap din ang may-ari ng e-mailed copy ng veterinary certificate ng mga ostrich pagkatapos gawin ang transaksyon.

Sa ngayon, nire-review na ng DENR ang mga dokumentong isinumite sa kanila ni Cruz.

Facebook Comments